PNP chief sa mga mamamahayag na pinagbabantaan: Impormahan n’yo kami

PNP chief sa mga mamamahayag na pinagbabantaan: Impormahan n’yo kami

October 11, 2022 @ 2:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ang mga mamamahahayag na makatatanggap ng banta na makipag-ugnayan sa law enforcers upang maiwasan na maulit ang media attack matapos ang pagpatay sa broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, ayon kay national police chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. nitong Lunes.

“Ang pakiusap lamang natin sa ating mga media personnel, sana ‘pag nararamdaman ninyo na medyo nanganganib o nangangamba na ang inyong mga buhay dahil dala ng pagtupad ninyo sa inyong mga trabaho, ‘wag na ho nating intayin yung nangyari kay Sir Percy,” pahayag ni Azurin sa isang news conference sa Camp Crame.

“But rather, it would be better siguro kung impormahan n’yo kami so that we can provide you security,” dagdag niya.

Patay sa pamamaril si Mabasa, na host ng  “Lapid Fire” sa DWBL 1242, noong Lunes sa Las Piñas City ng mga suspek sakay ng motorsiklo. Isa siyang kritiko ng Duterte government at ilang opisyal sa kasalukyyang administrasyon.

Sinabi naman ng mga pulis na posibleng may kaugnayan ang pagpatay sa mamamahayag sa kanyang trabaho.

“Kung may mga suspect kayong napaghihinalaan, makita natin agad or maimbestigahan natin. At kung kinakailangan na magkaroon kayo ng security, then we will provide one for you,” aniya.

Inihayag ng National Union of Journalists in the Philippines na ikalawa si Mabasa sa mga miyembro ng press na napatay sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr.

Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong nakaraang linggo na susuportahan at poprotektahan nito ang karapatan ng media, subalit hindi binaggit ang kaso ni Mabasa.

Inilibing si Mabasa nitong Linggo habang pinaghahanap pa ang mga suspek sa pagkitil sa kanya. RNT/SA