PNP chief: Sultan Kudarat ops, lehitimo

PNP chief: Sultan Kudarat ops, lehitimo

December 6, 2022 @ 4:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ang police operation sa Lambayong, Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkamatay ng anak ng police officer at dalawa pa niyang kasama nitong nakaraang linggo ay lehitimo.

Subalit, sinabi PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na aksalukuyang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.

“They ignored the checkpoint and when they were chased, they fired at our policemen, that’s why there was an encounter,” pahayag ni Azurin nitong Lunes.

“Anyway, there is a motu propio investigation in cases like this and if there were lapses on the part of the PNP, the policemen involved will be investigated,” dagdag ni Azurin.

Batay sa inisyal na ulat, tatlong kalalakihan– Horton Ansa Jr., Arshad Ansa, at Samanoden Ali– ang sakay ng motorsiklo nang harangin sila sa checkpoint sa Lambayong nitong Disyembre 2.

Hindi umano pinansin ng tatlo ang mga pulis at umano’y nakipagbarilan sa kanila sa pursuit operation.

Nasabat umano ng mga pulis ang shabu mula sa tatlo.

Kinuwestiyon naman ng ama ni Ansa, isang pulis na nakatalaga sa bayan ng Sharif Saydona Mustapha, ang bersyon ng kapulisan sa insidente, na sinabing walang rekord ng nilabag na batas ang kanyang anak at mga kasama nito noong nabubuhay pa.

Idinagdag niya na isang criminology student ang kanyang anak na nais maging pulis kagaya niya. RNT/SA