PNP chief: ‘WALANG DESTAB PLOT VS DUTERTE’

PNP chief: ‘WALANG DESTAB PLOT VS DUTERTE’

June 29, 2018 @ 2:55 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde na walang namo-monitor ang pulisya na destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, taliwas sa sinabi ni political strategist Pastor Boy Saycon.

Sinabi ni Albayalade na nilinaw din sa kanya ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) public affairs chairman Reynaldo Evangelista na walang pinaplano ang Simbahang Katolika na patalsikin sa puwesto si Duterte.

“It’s an abstract issue… It does not exist so we did not talk about that alleged destabilization, wala, wala ‘yon,” ani Albayalde matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng CBCP nitong Huwebes.

“Wala, wala, I’m sure wala, we have not monitored any, our intelligence monitoring says na zero ang monitoring diyan, zero ang information, as of this time, wala tayong nakukuha,” diin ng pinuno ng PNP.

Nauna rito, sinabi ni Saycon na ang hugot ng galit at mga pagbatikos ng Pangulo sa Catholic Church at sa pang-iinsulto sa Diyos ay posibleng may kinalaman sa mga pagtatangka ng mga pari na masipa ang Chief Executive sa Palasyo ng Malakanang.

Ngunit agad itinuwid ni Saycon na hindi naman ang Catholic Church ang institusyon na sinasabi niyang nasa likod ng “destab plot” sa Pangulo.

Kabilang si Saycon sa binuong four-man panel ni Duterte upang makipagdayalogo sa church leaders dahil sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng pamahalaan at Simbahan. (NATS TABOY)