PNP colonel sinibak sa pagmanyak kay ex-Vice Mayor Parojinog

PNP colonel sinibak sa pagmanyak kay ex-Vice Mayor Parojinog

October 10, 2020 @ 9:30 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinibak sa tungkulin ang hepe ng Custodial Center ng Camp Crame makaraang itong masampahan ng patong-patong na kasong kriminal sa pagmanyak sa nakakulong na si dating Ozamis City Vice Mayor Aurora Parojinog.

Nakilala ang suspek na si Police Lt. Col. Jigger Noceda na kinasuhan ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) ng rape, acts of lasciviousness, unjust vexation at violation of the Safe Spaces Act.

Ayon kay Police Lt. Col. Ysmael Yu, PNP spokesman, dalawang beses umanong minanyak ni Noceda si Parojinog at naganap ito mismo sa opisina ni Noceda.

Unang nangyari noong Hunyo 1, 2020 ang umano’y pwersahang pagpapasandal sa pader at panghahalik ni Noceda kay Parojinog.

Agad namang isinumbong ng biktima ang pangyayari sa anak nitong bumisita sa kanya sa oras na iyon at sinulatan na rin nito si dating PNP chief General Archie Gamboa.

Naganap ang ikalawang pangmamanyak noong Setyembre 7, tatlong araw makaraang matagpuang patay ang kanyang kapatid na si dating Ozamiz City Councilor Ricardo Parojinog sa loob ng kulungan sa Ozamisz City.

Makaraan umanong magtanong siya ukol sa kanyang mga kasong droga at illegal possession of firearms at papalabas sa opisina ni Noceda, dito na siya niyakap at pinagkakapa sa lahat lahat maseselang bahagi ng kanyang katawan at iba pang pang-aabusong sekswal.

Sinulatan at nagsumbong din ang biktima sa bagong hepe ng PNP na si General Camilo Cascolan na agad na umaksyon at nagpaimbestiga sa WCPC na nagsampa naman ng nasabing mga kaso sa Quezon City Regional Trial Court.

Sinubukan pang makipagkasundo si Noceda kay Parojinog kasabay ang alok na aalis siya pwesto ngunit huli na ang lahat. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...