PNP COVID bed occupancy rate puno na

PNP COVID bed occupancy rate puno na

January 14, 2022 @ 5:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Ginagawan na ng paraan ng Philippine National Police (PNP) ina madagdagan ang isolation facilities sa paglampas ng bed occupancy rate para sa coronavirus patients sa Camp Crame sa 100 porsyento.

“Actually the problem now is on additional isolation facilities because of the daily volume of new cases,” pahayag ni PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz nitong Biyernes.

Kasalukuyang mayroong siyam na isolation, quarantine, at treatment facilities, na may 560-bed capacity sa Camp Crame.

Tinataya namang nasa 561 personnel ang naka-admit sa mga naturang pasilidad.

“We can accommodate through room-sharing especially if family or friends are willing to share. The others are transferred to other isolation facilities with NCR (National Capital Region),” aniya.

“We are also in close contact with the different LGUs as to the availability of isolation facilities of our personnel,” patuloy pa niya.

Nakapagtala ang PNP ng 548 bagong COVID-19 cases nitong Biyernes. RNT/SA