PNP Crime Lab sa Tuguegarao City, naabo

PNP Crime Lab sa Tuguegarao City, naabo

October 7, 2018 @ 10:33 AM 4 years ago


 

Tuguegarao City – Nasunog ang gusali ng Crime Laboratory ng Philippine National Police Region II

Ayon kay Superintendent George Cablara, hepe ng Tuguegarao City Police natupok lahat ng gamit ng tanggapan maging ang mga nakaimbak na ebidensiya simula noong 1987.

Sinabi naman ni Senior Supt Edison Lopez, Regional Chief ng Pnp Crime Laboratory Office, naapektuhan ng nagdaang bagyong Ompong ang naturang gusali na nakatakda sanang isagawa ang re-wiring doon sa araw nag Lunes.

Pinaniniwalaang faulty electrical warning ang dahilan ng sunog na nagsimula dakong ala-1:30 ng hapon kahapon na tumagal ng 30 minuto bago naapula.

Sa ngayon kinordon muna ang lugar dahil sa pangambang baka sumabog ang mga granada na nakaimbak sa tanggapan ng PNP Crime Lab.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente. (Remate News Team)