PNP, DILG kinalampag sa hazing sa kapulisan

PNP, DILG kinalampag sa hazing sa kapulisan

August 18, 2022 @ 7:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinondena ni Deputy Majority Leader Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang panibagong kaso ng hazing sa Philippine National Police.

Sa kaniyang talumpati ay kinalampag ng kongresista ang pamunuan ng PNP at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na alamin at ilantad ang mga nasa likod ng pangyayaring ito upang managot at tuluyan na itong mahinto dahil patuloy itong nagdudulot ng pagkasawi.

Binanggit ni Abante ang pagkasawi ng 32 taong gulang na si PNP Patrolman Jaycee De Guzman Ramores, nakatalaga sa 503rd Maneuver Company, ang 5th Regional Mobile Force Battalion sa San Jacinto, Masbate na nasawi noong July 26, 2022 matapos magtamo ng mga sugat at pinsala sa katawan dulot ng hazing.

“Twenty-seven years after Congress passed Republic Act Number 8049 or the Anti-Hazing Law of 1994––and four years after this body revisited the law and passed Republic Act Number 11053 or the Anti-Hazing Act of 2018––hazing unfortunately continues to cut short the lives of promising young men, and continues to cause unspeakable pain to their families,” giit ni Abante.

Base sa post-mortem report na inisyu ng Ticao District Hospital kung saan ginamot si Ramores, ang pagkasawi nito ay bunga ng “cardiorespiratory arrest, deep vein thrombosis secondary to pulmonary embolism, and multiple physical injuries secondary to blunt trauma.”

Binanggit din ng mambabatas na ang pagkasawi ni Ramores ay nagbunsod upang ang PNP ay agarang bumuo ng Special Investigation Task upang siyang mag-imbestiga sa nabanggit na trahedya na nagresulta naman ng paghahain ng kaso ng PNP Bicol Police Regional Office laban sa may 21 police officers na sinasabing sangkot sa diumano’y hazing incident.

Ang may 21 opisyal na pawang mga miembro ng 503rd Maneuver Platoon ng Regional Mobile Force Battalion 5 ay kinasuhan sa Masbate Prosecutor’s Office ng paglabag sa Republic Act 11053 o the Anti-Hazing Act of 2018.

“ Is this an isolated case or indicative of a dangerous trend? How prevalent is this in the Philippine National Police? Bakit ba nauuso ang ganitong mga gawain kahit may batas na ipinagbabawal ito?”

Binanggit pa ng mambabatas na umabot na sa 41 buhay ang nasawi bunsod ng hazing bagama’t tuwiran ng naging batas ang anti-hazing measures noong 1995 at 2018 ay “action must be taken to ensure that Patrolman Ramores does not become a statistic, and does not become another entry in a long Wikipedia list.Hindi natin pwede hayaan na ibaon lang ito sa limot, mga kaibigan. More must be done, Mr. Speaker, so that history does not repeat itself, and so that families are spared from the pain that the Ramores family will have to live with for the rest of their lives,” ayon pa rin kay Abante.

Si Abante ay maghahain ng resolusyon upang makapagsagawa ng malalimang imbestigasyong ang PNP at DILG sa isyu ng hazing sa PNP. Meliza Maluntag