PNP, DILG pinuri ng Kamara sa pagsuko ng gunman ni Percy Lapid

PNP, DILG pinuri ng Kamara sa pagsuko ng gunman ni Percy Lapid

October 18, 2022 @ 7:18 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Dahil sa mahalagang papel ng media sa lipunan ay napakahalagang maproteksyunan ang mga miyembro nito.

Binanggit ito ni House Speaker Martin Romualdez kasabay ng pagpuri ng liderato ng Kamara sa Philippine National Police (PNP) at si Secretary Benhur Abalos ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil ngayon ay hawak na nila ang isa sa suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

“The protection of members of the Fourth Estate is of paramount importance as they play a vital role in nation-building,” sinabi ni Romualdez na nagkusang magkaloob ng P5 milyong pabuya sa sinumang makahuhuli o makapagtuturo sa mga salarin sa ikalulutas na rin ng kaso.

“We in the House of Representatives welcome this positive development in the unfortunate crime that took the life of Percy Lapid. We applaud the efforts of DILG Abalos and the police to swiftly resolve the case.”

Patuloy na umaasa si Romualdez na sa pagsuko ng self-confessed gunman na si Joel Estorial na iprisenta sa media ni Abalos at ng PNP ay kasunod na mahuhuli ang mga kasabwat nito.

“And the arrest of a suspect in the shooting of Lapid is indeed a welcome development. We hope that this arrest leads to the apprehension of the other suspects in the gruesome murder of Lapid and the resolution of the case,” dagdag pa ni Romualdez. Meliza Maluntag