PNP, DOH nagpadala ng dagdag na health workers sa N. Samar

PNP, DOH nagpadala ng dagdag na health workers sa N. Samar

January 24, 2022 @ 7:22 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Umagapay ang Philippine National Police (PNP) at Department of Health (DOH) sa Northern Samar na isinailalim sa Alert Level 4 dahil sa kakulangan ng health workers bunsod ng dami ng mga nagkakasakit sa COVID-19.

Ayon sa PNP at DOH na nagpadala sila ng tig-apat na medical frontliners para tumulong sa lalawigan.

Sinabi ni Northern Samar Provincial Health Office Dr. Ninfa Caparroso-Kam na marami sa kanilang health worker ang naka-isolate sa lalawigan dahil may mild symptoms ng COVID-19.

Pero sinabi niya rin na bago pa man magkasakit ang mga health worker ay dati nang kulang sa kanilang pwersa dahil sa rami ng kontraktwal at wala pang benepisyo mula sa pamahalaan.

“Some of them have been working in our hospital for the last 12 years and yet wala silang benefits, walang leave credits, walang retirement benefits,” giit niya.

“Marami pang dapat tingnan ang ating mga leaders.”

Dagdag pa ng opisyal na maging ang kanilang pagbabakuna ay apektado bunsod naman ng kahirapan na maabot ang mga liblib na lugar sa lalawigan.

Aabot pa lang sa 40 porsyento ng populasyon ng lalawigan ang fully vaccinated hanggang sa ngayon, ani Caparroso-Kam. RNT