PNP exec: Mindanao blasts ‘di makaaapekto sa inagurasyon ni Sara

PNP exec: Mindanao blasts ‘di makaaapekto sa inagurasyon ni Sara

June 6, 2022 @ 11:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na walang banta sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa kabila ng mga naiuulat na pagsabog sa Mindanao kamakailan, at sinabing ang target ng mga pag-atake ay mga negosyo at hindi ang publiko.

Sa press briefing matapos ang flag raising ceremony sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano de Leon na sinisilip nila ang posibilidad na ang pagsabog sa Mindanao — dalawa sa Sultan Kudarat at South Cotabato at dalawa sa Basilan — ay hindi target na saktan ang mga tao.

Binanggit ito ni Dee Leon nang tanungin kung may namo-monitor na banta sa inagurasyon ni Duterte-Carpio na gaganapin sa Davao City sa Hunyo 19.

“Wala naman, if you have noticed that most of the bombings that transpired in Mindanao are generally not to harm people as they are not placed in vital installations, places of convergence, commercial establishments,” pahayag niya.

“It was meant to send a message and that is the one that we are trying to validate, considering that some are in public businesses, like terminals, food chains, and bus operations,” dagdag ni De Leon.

Kumpiyansa rin si De Leon na kayang bantayan ng Police Regional Office 11 (PRO-11) ang seguridad sa inagurasyon ni Duterte-Carpio, at sinabing ang tulong na ibibigay nila ay intelligence reports.

“The strength of PRO-11 is enough to contain the security required for the oath taking of Vice President-elect Mayor Inday Sara Duterte. We would probably be around just to supervise, but in terms of forces or strength to be augmented from the national headquarters will be not considered at the moment,” aniya.

“But we will be providing everything, from traffic to intelligence, to the presence of our forces,” patuloy pa niya. RNT/SA