PNP GENERALS NAGSISIKUHAN SA PWESTO

PNP GENERALS NAGSISIKUHAN SA PWESTO

June 27, 2022 @ 8:29 PM 1 month ago


Halos lahat nang posisyon sa paparating na administration ay ipinakilala na pero hindi pa inaanunsyo ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kung sino ang magiging hepe ng Philippine National Police.

Ang Pambansang Kapu­lisan ay isa sa ahensya ng pamahalaan na malaki at napaka-importante ang role na ginagampanan sa lipunan kaya marahil pinag-iisipang mabuti ni PBBM kung sino ang karapadapat sa puwesto.

Hangad at pangarap ng bawat police general na ma-appoint na PNP chief, hindi lamang dahil sa makukuhang mataas na posisyon kundi dahil sa kikitaing datung.

Marahi lmarami ang magagalit sa ating mgaopisyal ng kapulisan sa ating kuwento pero yan ang katotohanan dahil ang kalakaran na ‘kitaan’ sa PNP, kumbaga ay nakaga­wian na, ‘di lang taon kundi nagtagal na ng dekada.

Sa PNP, ang kita ay sa pamamagitan ng maniobra sa pondo pero maliit lang ang naibubulsa ng kita dito dahil ang paldong kita ay mula sa mga operasyon ng iligal, tulad ng droga at nagkalat na su­galan sa buong bansa.

Number 1 siyempre na pinakamalaking kita ay ang PNP boss na nakasawsaw sa lahat ng pagkakitaan – mula PNP funds hanggang kotong sa mga financier at operator ng lahat ng uri ng kailigalan na nag-ooperate.

Bukod sa PNP chief, ang sumunod na pinag-aagawan na puwesto ay ang Regional at district positions dahil ang pera sa command  na ito ay kaliwa’t kanan din ang dating dahil sa samu’t saring ope­rasyon ng iligal.

Kung may isa pang puwesto na ninanais at pinag-aagawan din ng mgaheneral ay Criminal Investigation ang Detection Group. Para ma-appoint kang CIDG chief, aba’y milyones ang kita dahil sa bi­gay ng iligalista.

Samanatala, ayon sa aking insider sa Camp Crame, nagkakaroon na ng ‘sikuhan’ ang mga heneral para ma­kapuwesto. Kanya-kanyang hanap na raw ng padrino ang mga ito para makakuha ng puwesto sa bagong administrasyon.

GEN. ANTONIO YARRA NADEDELIKADO

Si Region 4A director Antonio Yarra – ayon sa ating Crame insider –ay nanganganib na masibak sa puwesto dahil failure daw ito sa kanyang pamumuno, napakaraming krimen at ‘di masugpo ang nagkalat na bisyo.

Ang friend ni PBBM na si Senator Bong Revilla ang dinidikitan at pinakikiusapan daw ni Yarra para ‘di matanggal na Calabarzon police director.

Ang lakas ng loob magpatulong kay Sen. Revilla. Kung ang simpleng sumbong na hulihin ang nagkalat na pergalan ng isang Aling Tessie sa kanyangAoRay ‘di pa magawa, ngayon ay nais pa niyang manatili sa puwesto.

Non-performer siYarra kaya tiyak na sisibakin siya ni PBBM.