PNP gigisahin ni Estrada sa ‘media visits’

PNP gigisahin ni Estrada sa ‘media visits’

October 17, 2022 @ 3:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang paimbestigahan ni Senador Jinggoy Estrada ang lantarang paglabag ng Philippine National Police (PNP) sa Data Privacy Act nang simulan ang sarili nitong programa, ang “home visit” sa mga alagad ng media.

Sa pahayag, sinabi ni Estrada na nakikita ang katuturan ng pagkilos ng PNP sa naturang home visit pero hindi niya masikmura ang implementasyon na isa umanong “stupid idea.”

“The PNP has a lot of explaining to do. If the purpose of “home visits” of their personnel to the journalists’ residence is to ensure that there are no “threats” to their lives, why are they not in their proper uniform?,” giit ni Estrada.

Kamakailan, may ilang media personalities ang “dinalaw” ng hindi unipormadong pulis sa kanilang tahanan upang tiyakin umano na walang banta sa kanilang buhay.

Ngunit ayon kay Estrada, dapat nagkaroon ng koordinasyon sa lokal na opisyal at maging sa kompanya ng media kung saan nagtatrabaho ang naturang reporter.

“Why was there no coordination with the local officials and media company/outlet with which the concerned journalist is affiliated? And the most glaring of all, how could they get hold of very personal and sensitive information such as a home address of a journalist?,” ani Estrada.

“I can see the sense in this move of the PNP but its execution is rather contemptible. It’s the most stupid idea, I must say,” giit ng senador.

Sinabi ni Estrada na kung gustong alamin ng PNP kung sino ang may pagbabanta sa buhay ng journalists, dapat, una nila itong inalam sa kompanya o organisasyon na kinabibilangan ng mga mamamahayag.

“Sa ganoong paraan, mas mapapadali ang proseso ng pag-identify kung sino ang nangangailangan ng kanilang tulong. Ang mga tagapagpatupad ng batas ay dapat alam kung paano ang tamang pagpapatupad ng mga umiiral na mga batas, hindi ang paglabag ng mga ito,” ani ng senador.

“Malinaw na nilabag ng hanay ng PNP ang Data Privacy Act at dapat na managot sila dito,” giit ni Estrada. Ernie Reyes