PNP, hindi basta huhuli ng student activist

PNP, hindi basta huhuli ng student activist

October 8, 2018 @ 5:10 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ikinlaro ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde na hindi malalagay sa pahamak ang mga student activist.

“The police recognizes that student activism is a healthy sign of a vibrant democracy. But taking up arms or inciting to take up arms against government is definitely in conflict with the law that the PNP is duty bound to address with appropriate police response,” wika nito pero nilinaw na dapat ay hindi lalabag ang mga ito sa batas.

“Nonetheless, I assure you there will be no police intervention to suppress academic freedom, speech, expression and other fundamental liberties exercised in our campuses,” dagdag pa ni Albayalde.

Sinabi rin ni Albayalde na sumasailalim ang kanyang mga tauhan sa pag-aaral sa human rights at sa katunayan ay mayroon na silang human rights training modules na pinagagawa sa lahat ng PNP mandatory training and specialization courses. (Remate News Team)