PNP, humindi sa request ng Senado na hayaang magsagawa ng pagdinig si De Lima sa Custodial Center

PNP, humindi sa request ng Senado na hayaang magsagawa ng pagdinig si De Lima sa Custodial Center

July 11, 2018 @ 7:48 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hindi pinayagan ng Philippine National Police ang hiling ni Senate President Vicente Sotto III na hayaan si Senator Leila De Lima na magsagawa ng mga pagdinig sa PNP Custodial Center.

Sa sulat ni PNP chief Director General Oscar Albayalde bilang sagot sa natanggap na request letter mula kay Senator Sotto, sinabi nito na korte na dapat ang bahala sa desisyong ito.

“It is with regret that the PNP cannot appropriately act on the matter considering Senator De Lima’s status as a detention prisoner with restricted right to exercise profession and hold public office,” ayon sa sulat.

“Consequently, any matter pertaining to requests to exercise her legislative functions as an elected senator and conduct committee hearings for such purpose is a matter for the Court having jurisdiction over her pending case/s to decide.”

Hulyo 2 nang makiusap si Sotto sa PNP na hayaan si De Lima na gampanan ang kanyang katungkulan bilang senador partikular bilang chairman ng Senate Committee on Social Justice Welfare and Rural Development.

“As the Senate President, I am giving Sen. De Lima full authority to discharge her duties as chair of the Committee, particularly to conduct and personally preside over its hearings — similar to what had been done by Sen. Antonio Trillanes IV during his detention,” ayon sa sulat ni Sotto.

Si De Lima ay nakakulong sa Custodial Center simula pa noong February 2017 matapos na maakusahan na tumatanggap ng bayad mula sa mga drug lord noong siya ay justice secretary pa lang. (Remate News Team)