PNP, Interpol sanib-pwersa vs ‘white collar’ crimes

PNP, Interpol sanib-pwersa vs ‘white collar’ crimes

February 9, 2023 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at International Criminal Police Organization (Interpol) na paigtingin ang operasyon laban sa tinatawag na “white collar” crimes, o mga karaniwang isinasagawa ng white-collar workers sa isang kompanya o government agency sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kanilang posisyon para sa “financial gain”.

Kabilang ito sa mga isyu na tinalakay sa bilateral meeting sa pagitan ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., at  Interpol Abu Dhabi National Central Bureau deputy director Lt. Col. Dana Almarzooqi sa 24th Interpol Asian Regional Conference sa Abu Dhabi, United Arab Emirates nitong Miyerkules.

Tinalakay ng dalawang panig ang mga isyu na bumabalot sa “emerging criminal trends” gaya ng money laundering, financial crimes, drug trafficking, at cybercrimes, ayon sa news release mula sa PNP Public Information Office on Thursday.

Iginiit ni Azurin ang commitment ng PNP sa pagtugon sa mga pinakanakababahalang krimen sa bansa, partikular sa financial crimes sa drug trafficking, at sinabing “our partnership with UAE will greatly contribute to this effort.”

Binigyang-diin ni Azurin ang mahalagang papel ng PNP’s Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM) sa pagtugon sa kasalukuyan at haharaping hamon sa ICT.

“DICTM will play a vital role in the efficient and effective delivery of crime prevention and crime solution services to the external and internal stakeholders of the PNP,” pahayag ni Azurin.

“The PNP is determined to make the Philippines a safer place for everyone, and our partnership with UAE will certainly bring us closer to this noble endeavor. I am grateful for the support and cooperation of our partners in the UAE. We are confident that together, we can overcome the challenges posed by transnational crimes and create a safer future for our citizens,” giit pa niya.

Pinuri naman ng UAE officials ang interbensyon ng PNP sa paglaban sa cybercrimes at human trafficking, kung saan inalok ng huli ang PNP sa training programs mula sa ibang member states.

Gayundin, tinalakay ang online gambling bilang emerging issue sa Pilipinas at sa ibang Asian region.

“This is a problem that needs to be addressed globally and we are committed to working with our international partners to tackle this issue head-on,” ani Azurin. RNT/SA