PNP kay Bantag, dumipensa sa tamang plataporma

PNP kay Bantag, dumipensa sa tamang plataporma

November 13, 2022 @ 10:11 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Philippine National Police (PNP) si suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na ilatag ang depensa nito sa tamang plataporma.

Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo sa panayam nito sa CNN Philippines nitong Sabado, Nobyembre 12, titingnan na umano nila ang ginawa ni Bantag na pagharap sa isang television interview na hindi umano nararapat na plataporma para sumagot o dumipensa.

“We will be checking on these information but we are encouraging Bantag to bring his fight in the proper forum so he could ventilate properly his defense,” ani Fajardo.

“He can reduce it into writing and submit his evidence if he claims there are other people behind the murder of Percy Lapid as well as the death of the middleman,” dagdag niya.

Maliban dito, mayroon na umanong pagkakataon si Bantag na magpasa ng kanyang counter affidavit.

Matatandaan na humaharap ngayon sa reklamo si Bantag na di-umano ay sangkot sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Sa panayam nito sa SMNI, isiniwalat niya na di-umano ay may sangkot pang isang high-ranking official sa naturang pagpatay. RNT/JGC