PNP kinalampag ng mga Senador sa hostage-taking incident

PNP kinalampag ng mga Senador sa hostage-taking incident

October 9, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng ilang mga mambabatas at ni ex-Vice President Leni Robredo ang Philippine National Police na tutukan ang imbestigasyon sa insidenteng humantong sa hostage-taking kay dating Senador Leila de Lima, Linggo ng umaga Oktubre 9.

Isa na rito si Senador Risa Hontiveros na personal na bumisita sa Camp Crame upang dalawin si de Lima at kinondena ang hindi makatarungan at barbarong gawin ng tatlong suspek.

Pinuna niya rin ang tila ba mabilis na pagpasok ng mga ito sa selda ng dating Senador.

“How can armed detainees easily gain access to the custodial cell of Sen. Leila, which is deep inside the PNP national headquarters? What lapses in security must be addressed, and most of all, who is responsible for these lapses? We strongly deplore this breach of duty,” ani Hontiveros.

“I urge the PNP to increase the security arrangements around former Senator De Lima, and ensure that no similar incident will ever occur against her or other detainees,” dagdag pa niya.

Idiniin niya rin ang panawagan na palayain na si de Lima at iurong na ang reklamo laban sa kanya.

“The violence against former Senator De Lima is only the latest act of injustice against her. Hindi sana nangyari ito kung sa simula pa lang, hindi na kinulong si Senator Leila dahil lang sa mga walang basehan na kaso. This is political persecution at its worst,” dagdag pa niya.

Samantala, nagparating din ng pagkabahala si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa dating kasamahan, at hinimok ang PNP na magpasa ng detalyadong ulat tungkol sa insidente.

“We worry for the safety of Sen Leila de Lima. PNP should come up with a detailed report on what happened and why this happened considering that Sen de Lima is held in a separate area away from other inmates,” ani Pimentel.

“The wheels of Justice in this country must move quicker,” dagdag pa niya.

Panalangin naman ang handog ni dating Bise Presidente Leni Robredo para sa kaligtasan ni de Lima.

“Dasal namin ang iyong kaligtasan at tuluyang paglaya, Sen Leila. Ang atin ding dasal sa kaligtasan at agarang paggaling ni PCpl Roger Agustin,” pahayag ni Robredo sa isang tweet.

Bago rito, ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pulisya na huwag nang mauulit ang ganitong insidente.

Nauna na ring ipinag-utos ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na magsagawa ng malalim na imbestigasyon para rito. RNT/JGC