PNP kinastigo ni Bato sa butas sa pagbibigay ng police clearance

PNP kinastigo ni Bato sa butas sa pagbibigay ng police clearance

November 9, 2022 @ 1:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinastigo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa butas hinggil sa pagbibigay ng police clearance ng indibiduwal matapos makakuha ng dokumento sa Caloocan ang isang taong may warrant of arrest sa Quezon City.

Sa ginanap na pagdinig hinggil sa panukalang National Police Clearance System, sinabi ni Dela Rosa, dating hepe ng ahensiya na kailangan amyendahan ang 1987 Constitutions at muling baguhin ang salitang “national” sa pangalan nito kundi makakabigay ng local police clearance nang tugma.

Tinukoy ni Dela Rosa ang isang pangyayari na kung saan hindi makakuha ng police clearing ang isang tao sa isang lugar dahil may hit ito sa kanyang record pero nakukuha ang katulad na dokumento sa ibang lugar na malinis ang kanyang record.

Aniya, nagiging katawa-tawa ang PNP sa mga kriminal sa ganitong pangyayari.

“He is cleared in Caloocan but he has a case in Quezon City, and the clearance was issued by the ‘Philippine National Police.’ What kind of a national police is that, with local clearance only? You are Philippine National Police with local clearance only?” tanong ni Dela Rosa sa dumalong PNP officials.

“You better amend the Constitution if you cannot fulfill the national scope of your work,” dagdag niya.

“You look like comedians here, you clear a person who has a pending warrant of arrest in Caloocan or another town? So what we should do for the PNP to be credible is to nationalize their clearance system.”

Tinatalakay ng Senate Committee on public order and illegal drugs ang Senate Bill No. 725 na nagtatayo ng national police clearance system.

Sakaling maisabatas ang panukala, isang sistema ang makatitiyak sa criminal records ng isang indibiduwal kabilang ang warrant of arrest, litrato, detalye ng wanted na tao, fingerprints kahit ang ballistic examination results na maaaring makuha sa database.

Sa ngayon, may sariling National Police Clearance System ang PNO at may kaso na kung saan nakakuha ang isang indibiduwal ng police clearing mula sa isang bayan na malinis ang kanyang record pero inaresto dahil sa epektibong profiling.

Noong Setyembre 2022, may isang tao ang kumuha ng police clearance sa Tagbilaran, Bohol na inaresto matapos matuklasang may nakabinbin itong warrant of arrest sa Davao del Sur.

May ilang alalahanin din ang senador na nakakakuha ng police clearance ang isang indibiduwal sa malalayong lugar. Ernie Reyes