PNP, kinumpirmang konektado sa mga kulungan ang milyong halaga ng shabu sa Pasig City

PNP, kinumpirmang konektado sa mga kulungan ang milyong halaga ng shabu sa Pasig City

July 4, 2018 @ 10:53 AM 4 years ago


 

Pasig City – Kinumpirma ni NCRPO Director PCSupt Guillermo Eleazar na konektado sa mga kulungan ang milyong-milyong halaga ng shabu na nakumpiska sa Pasig City.

Sa diagram na prenisinta ni General Eleazar, makikita kung paano kumakalat ang shabu, pahirapan aniya ang pagtumbok sa pinakaugat nito dahil nasa loob ng kulungan ang utak sa pagpapakalat at galamay lamang ang kumikilos sa labas.

Kung maaalala kahapon, 1.3 milyong piso ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa pinagbuhatan Pasig City at 1.2 milyon naman ang nakuha sa Pineda, Pasig City. Ito ay konektado sa Amin Buratong Drug Syndicate, na nag-operate sa shabu tiange sa Pasig City noong 2006.

Marami pang susunod, yan ang sinabi ni Eleazar base na rin sa mga impormasyon na kanilang nakuha sa mga unang suspek na naaresto kung saan sinabi nito na hindi sila titigil hanggat buhay pa o hindi nakukulong ang mga nagpalakalat ng iligal na droga.

Kuha ni (Val Leonardo).