PNP: Krimen sa Pinas mula Jan. ‘gang Nov. 13, bumaba

PNP: Krimen sa Pinas mula Jan. ‘gang Nov. 13, bumaba

November 16, 2022 @ 11:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang bilang ng mga naiulat na krimen sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre 13 nang 2.66 porsyento.

Batay sa datos, inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo ma nakapagtala na ang kapulisan ng 34,050 index crimes o krimen laban sa mga tao, gaya ng murder, homicide, physical injury, at rape; at crimes against property, gaya ng robbery, theft, at car and motorcycle theft.

“During the same period last year, January to November 13, we recorded 34,982 (index crimes). So for this year, there is a decrease of 932 (cases), which translates to a 2.66 percent decrease,” pahayag ni Fajardo sa panayam sa Camp Crame, Quezon City nitong Martes.

Iniugnay niya ang pagbaba ng mga krimen sa mas pinaigting na police operations at pinaim na police presence.

“They are already aware of their personal security. This is a big factor why there is a decrease in (crime) incidents this year,” ani Fajardo.

“The only way na masu-sustain natin itong magandang crime trend natin is yung tutulungan din tayo ng ating mga community dahil sila mismo ang titingin sa kanilang personal safety and security but on the part of the PNP, ang stand ng Chief PNP ay masustain yung police visibility, particularly doon sa mga areas where crimes will likely happen,” dagdag niya.

“Our policemen will be out in the streets, including our personnel rendering administrative duty who will be required to also perform patrol duties, to make sure we will sustain this decrease in crime trend at least up to the end of the year.” RNT/SA