PNP maghihigpit sa seguridad kasunod ng Tacurong, Koronadal bombings

PNP maghihigpit sa seguridad kasunod ng Tacurong, Koronadal bombings

May 28, 2022 @ 12:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng unit commanders nito lalo na sa Mindanao na paigtingin ang seguridad kasunod ng twin bombings sa Central Mindanao kung saan isa ang naiwang sugatan.

Sinabi ni Police Maj. Gen. Valeriano de Leon, direktor ng PNP Directorate for Operations, na nagpalabas siya ng memorandum na nag-uutos sa police regional directors na siguruhing hindi mauulit ang pag-atake katulad ng bus bombings sa Tacurong City at Koronadal City.

Sa ipinalabas na memorandum nitong Biyernes, sinabi ni De Leon na lahat ng police commanders hanggang sa chiefs of police sa mga munisipalidad ay inatasan na magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng transport terminals at mga pampublikong lugar.

“Our commanders were also instructed to conduct checkpoints in major thoroughfares and strategic roads, and to beef up intelligence-gathering,” pahayag ni De Leon.

Matatandaang dalawang pagsabog ang naiulat nitong Huwebes sa passenger buses sa dalawang siyudad sa Central Mindanao.

Ayon kay De Leon, ipinag-utos na ni PNP Officer-In-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang imbestigasyon sa pag-atake.

“These people must be brought to justice; otherwise, they will be emboldened to undertake similar attacks in the future,” giit ni De Leon.

“I condemn in the strongest terms these senseless attacks that victimized civilians. But this condemnation should come with the necessary security adjustments and new strategies to protect civilians, especially from similar attacks,” dagdag niya. RNT/SA