PNP magsasagawa ng lifestyle checks sa kanilang hanay

PNP magsasagawa ng lifestyle checks sa kanilang hanay

October 30, 2020 @ 6:06 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Plano ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng lifestyle check sa kanilang mga tauhan laban sa graft at corruption, lahad ni PNP chief Police General Camilo Cascolan.

“We will have, aside of course from boosting morale and welfare of our people we will be coming up with lifestyle checks of our PNP para po malaman natin kung sino po, kung ano po yung karapa’t dapat na gawin lalong lalo na iyong mga matutukoy namin na mga corrupt,” saad ni Cascolan.

“That’s why we need to get rid of corruption most especially in the PNP,” dagdag pa nito.

“We will also file cases against them if needed, lifestyle checks […] Paano natin masasabi na maluho ang pulis? Well, malalaman mo naman. Magkano ang sweldo ngayon ng pulis, sobra sobra.”

Paliwanag ni Cascolan, ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) and Internal Affairs Service ng PNP ang magsasagawa ng lifestyle checks.

“This [lifestyle checks] will be made by the  IMEG together with IAS so that we would be able to see what’s happening with our people now.  Maganda ang morale nila [police] pero ano nga ba ang kabuhayan nila ngayon? Paano sila nagkaroon ng mga gamit na ganyan?” pahayag pa ni Cascolan. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...