PNP mas paiigtingin ang pagbabantay sa kapaskuhan; karagdagang mga pulis itatalaga

PNP mas paiigtingin ang pagbabantay sa kapaskuhan; karagdagang mga pulis itatalaga

December 14, 2021 @ 5:54 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Magtatalaga ng mas maraming mga pulis upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa darating na kapaskuhan, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Sinabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na nangangailangan ng higit na bilang ng kapulisan para sa night time patrols at public safety operations.

“These will be crucial days that will challenge the resolve of the church, police, local governments, and health authorities in implementing minimum public health standards under Alert Level 2, without breaking tradition and spoiling the festive mood of the season,” aniya.

Base kay Carlos, babantayan ng PNP ang siyam na araw na Misa de Gallo, na magsisimula sa Disyembre 16, maging ang midnight masses sa Pasko at Bagong Taon.

Bukod dito, sinabi ng PNP na binabantayan din nila ang mas pinalawig na mall hours, operasyon ng night markets, at food parks sa kapaskuhan.

Pinaalalahanan din ni Carlos ang mga magsisimba na 70 porsyento lamang ang pinapayagang kapasidad sa loob ng mga simbahan upang masunod pa rin ang physical distancing protocol sa mga pampublikong lugar.

“Our people can expect more police personnel on foot and mobile patrol to establish police visibility as deterrent to crime,” aniya.

“The public should not be alarmed when they see police mobile units with flashing blinkers to announce their presence. It only means that your PNP is just around and ready to extend assistance when needed,” dagdag ng PNP chief. RNT/SA