PNP may impormasyon na sa posibleng utak ng Aparri VM ambush – Azurin

PNP may impormasyon na sa posibleng utak ng Aparri VM ambush – Azurin

March 13, 2023 @ 1:13 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – May impormasyon nang nakuha ang pulisya sa posibleng utak ng pagpatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at lima iba pa.

“Investigators have uncovered substantial leads that could establish the possible motive and possible mastermind behind the attack… It has [been] revealed that threats had been made upon Vice Mayor Alameda that point to business rivalry as one of the possible motive,” sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Lunes, Marso 13.

Ani Azurin, tinitingnan ng mga pulis ang posibilidad ng kaugnayan ng pagpatay kay Alameda sa pagtutol nito sa black sand mining sa lugar.

“Business rivalry in the sense na meron kasi doong ongoing na black sand mining. Yun yung matagal nang issue dyan sa Cagayan na kung saan itong mga black sand na ito ay binibenta sa mga Chinese. Vice Mayor Alameda had been against sa negosyo na yun,” paliwanag niya.

Tukoy na ani Azurin ang ilang persons of interest sa pananambang.

Matatandaan na noong Pebrero 19 ay pinagbabaril-patay si Alameda at lima nitong kasamahan habang sakay ang mga ito ng van sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Maliban sa bise-alkalde, napatay sa ambush sina Alexander Agustin Delos Angeles, Alvin Dela Cruz Abel, Abraham Dela Cruz Ramos, John Duane Banag Almeda, at Ismael Nanay.

Natagpuan namang sunog ang getaway vehicle na ginamit ng mga suspek sa Solano, kaparehong probinsya.

Ayon sa PNP, tukoy na nila ang may-ari ng naturang getaway vehicle ngunit inaalam pa ang ilang dating may-ari ng sasakyan o ang “car history” nito. RNT/JGC