PNP may teorya kung paano nakapangangalap ng personal na impormasyon ang scammers

PNP may teorya kung paano nakapangangalap ng personal na impormasyon ang scammers

September 3, 2022 @ 5:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Naging maingay sa social media nitong mga nakalipas na araw ang spam text messages na naglalaman ng pangalan ng targeted recipients.

Panno nakuha ng mga scammer ang mga impormasyon?

May teorya naman ang Philippine National Police (PNP) kung paano nakuha ang mga impormasyong ito, at nag-abiso sa publiko na balewalain ang mga mensaheng paulit-ulit natatanggap.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Joel Doria, direktor ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), na nagkasa sila ng imbestigasyon sa insidente, at batay sa inisyal na resulta, hindi naka-link sa anumang social media account, messaging apps at digital wallets ang numero ng mga sender.

“This is apparently to avoid identification by law enforces. We have already conducted social media exploitations and there are numerous possibilities on how scammers get hold of the personal information of the recipients of spam text messages,” ani Doria.

Una, sinabi ni Doria na posibleng bulto-bulto itong binibili at ibinebenta sa dark web kung saan gumagamit ang mga hacker ng special software upang bumili at magbenta ng impormasyon. Dahil sa special software, hindi natutukoy ang pagkakakilanlan ng dark web users.

Ikalawa, posibleng nakuha ang impormasyon sa social media platforms, websites, at phone directories sa internet.

At ikatlo, base kay Doria, ay mula sa raffle tickets at iba pang standard application forms na kinakailangang sagutan ng mga tao sa mga pamilihan at establisimiyento.

“It can also be acquired thru random typing of numbers in social media messaging apps like ‘Viber’ which when added, the messaging app will automatically supply the person’s name,” ayon kay Doria.

Inilahad ni Doria na nakikipag-ugnayan ang ACG sa National Privacy Commission (NPC) at sa iba’t ibang TELCOs upang matugunan ang isyu sa spam text messaging.

“Every day, scammers will employ different modus to get people to believe their lies to rob you of your savings. That is why ACG continuously remind everyone to be vigilant and to be aware of the different tactics of fraudsters. ‘Knowledge is Key,” sabi ni Doria.

“In order to combat this type of modus, recipients of personalized spam messages should simply ignore them and not to click on the link attached to these messages,” dagdag niya. RNT/SA