PNP nag-alok ng seguridad kay Teves sa pagbalik-bansa

PNP nag-alok ng seguridad kay Teves sa pagbalik-bansa

March 12, 2023 @ 11:21 AM 2 weeks ago


MANILA – Handa ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng seguridad kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves sa kanyang pagbabalik sa bansa.

“We assure the family and loved ones of Congressman Teves na the PNP and other government forces [are] more than willing to provide security to him and hindi na niya kailangang mag-request,” ani PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo sa isang media forum.

Sinabi ni Fajardo na “wala siyang impormasyon” hinggil sa kung anomang kahilingan para sa seguridad, ngunit nagboluntaryo ang deputy chief of operations ng PNP na magbigay ng seguridad sa kongresista.

Hindi rin malinaw kung kailan babalik si Teves sa bansa mula sa US. Ang kanyang travel clearance para bumisita sa US ay valid lamang mula Pebrero 28 hanggang Marso 9.

“Sisiguraduhin niya (deputy chief of operations) na magkakaroon ng provision of dedicated security coming front he PNP pagdating niya dito sa Pilipinas para ma-secure natin siya pagdating niya dito,” dagdag pa ni Fajardo.

Nauna nang hinimok ni House Speaker Martin Romualdez si Teves na umuwi matapos maiugnay sa pagkamatay ni Degamo. RNT