PNP nagbabala, hazing death case ‘wag pakialaman

PNP nagbabala, hazing death case ‘wag pakialaman

March 3, 2023 @ 1:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Marso 3 sa sinumang makikialam sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng 24-year-old Adamson University student na si John Matthew Salilig na pinaniniwalaang dahil sa fraternity-related hazing.

“The PNP gives stern warning to anyone, regardless of position or status in life, that the attempt to intervene and meddle in the conduct of investigation and prosecution of the said case will not be tolerated,” pahayag ng PNP.

Dagdag pa na nakipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng units para magtulong-tulong at gamitin ang lahat ng available resources para maresolba ang kaso.

Sa impormasyon, dumalo si Salilig sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity bago napaulat na nawawala noong Pebrero 18.

Sampung araw ang nakalipas, natagpuan na lamang ang bangkay nito sa bakanteng lote sa Imus, Cavite.

Lumabas sa autopsy report na namatay si Salilig dahil sa “severe blunt force trauma in the lower extremities.”

Ayon sa witness, nakatanggap ang biktima ng 70 hataw mula sa mga miyembro ng grupo.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang anim na Tau Gamma members na sina–Earl Anthony Romero, Tung Cheng Teng, Jerome Balot, Sandro Victorino, Michael Lambert Ritalde and Mark Pedrosa–ang nahaharap sa reklamo kaugnay ng pagkamatay ni Salilig. RNT/JGC