PNP nagbabala sa pekeng pera

PNP nagbabala sa pekeng pera

December 23, 2022 @ 8:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko nitong Huwebes, Disyembre 22 na manatiling maingat at mapagmatyag sa pagkalat ng mga pekeng pera sa papalapit na Pasko.

“Pag pumunta sa palengke, sa lapag tayo namimili, minsan may mga nagsasamantala,” pahayag ni PNP Chief PIO Police Colonel Redrico Maranan.

Ganoon din ang babala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kung saan sinabi nito sa publiko na suriin muna kung lehitimo ang paper bill na natatanggap nila sa pamamagitan ng “feel, look, tilt” test.

Maaari umanong makulong ang indibidwal na mahuhuling gumagamit o may hawak ng pekeng pera ng hanggang 15 taon.

Samantala, ibinahagi rin ng BSP na mayroong 300 milyon na bagong P1,000 bill ang darating sa bansa sa 2023.

“The P1,000 [bill] is just [the] remaining order from Australia. That should be coming in by early next year. That’s another 300 million pieces. In contrast of course, if we look at total physical money circulation, that’s more than 2 trillion. That’s how much physical money there is in circulation…All denominations including coins,” ayon kay BSP Governor Felipe Medalla.

Dagdag pa rito, nagpahayag naman ng pag-asa si Medalla na lalo pang lalago ang digital economy sa bansa sa pagkakaroon ng 50% ng populasyon na may bank account at 70% ng mga financial transactions ang gagawin digital.

“Economy becomes more efficient and it’s also more environmentally-friendly. Mas malaki ang savings ng merchants kasi [The merchants will have bigger savings because] remember the merchants now have to bring all that cash back to a bank. The money in recurring payments significantly reduces the merchants’ handy costs,” dagdag pa niya. RNT/JGC