PNP nagbahagi ng ‘tips’ vs cybercrime

PNP nagbahagi ng ‘tips’ vs cybercrime

December 14, 2021 @ 7:18 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- “Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources,” ayon sa PNP.

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) nitong Martes sa publiko na kasunod ng mga ulat sa unauthorized transfers mula BDO Unibank Inc. accounts sa accounts sa ilalim ng nagngangalang “Mark Nagoyo.”

Hinikayat ng PNP ang social media users na maging maingat sa pag-”accept” sa mga hindi kilalang nagpapadala ng friend requests dahil kadalasang gumagawa ang cyber criminals ng pekeng account upang makipagkaibigan sa mga potensyal na  biktima.

“Trust no online friends unless you know them personally,” giit ng PNP.

Nagpapasa rin ang cybercriminals ng emails na may infected attachments. Pinayuhan naman ng PNP ang publiko na huwag umanong tumugon sa mga mensaheng ito.

“Such communication may be classified as phishing emails. If unsure, you may contact the company or organization claimed by the email source to verify if the communication is legitimate or fraudulent,” paliwanag ng PNP.

Binalaan din ng PNP ang publiko ukol sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon lalo na ang contact at bank details at nag-abiso na limitahan ang paggamit ng contact numbers online.

“Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources,” sabi ng PNP.

“Disable Bluetooth when not in use so you can veer away from attackers exploiting open connections,” patuloy pa nito.

Inalerto rin ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko laban sa “Drive-by Download Attack” kung saan may malicious programs na ini-install sa device nang walang permiso mula sa user.

Kabilang din dito ang unintentional na downloads ng files o bundled software sa computer device.

“Don’t rush in downloading phone applications and carefully download those from trusted sources,” base sa police group.

“Enable layers of security by using passwords and other encryption features like a two-factor authentication system,” patuloy pa nito.

Sinabi ng PNP na maaaring ma-contact ang ACG sa email address na [email protected] o telephone number nito na (632) 723 0401 local 7483. RNT/SA