PNP naghahanda na sa F2F classes sa colleges, universities

PNP naghahanda na sa F2F classes sa colleges, universities

December 11, 2021 @ 4:38 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa ipakakalat na kapulisan para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa ilang kolehiyo at unibersidad.

“The reopening of colleges and universities to physical classes means that we have to strategize our security plan, especially that students, teachers, and other non-teaching personnel are expected to go outdoors,” ani PNP Chief Police General Dionardo Carlos.

“This is still happening at the time of pandemic so the PNP would like to remind the schools to strictly adhere to the health protocol,” dagdag pa nito.

Naunang inanunsyo ng Ateneo de Manila University (ADMU) na unti-unti nang ibabalik ang face-to-face classes simula Enero 22.

Samantala, nasa 177 paaralan sa Metro Manila ang lalahok sa pilot run ng in-person classes simula Disyembre 6. RNT/FGDC