PNP naghahanda na sa F2F classes sa NCR

PNP naghahanda na sa F2F classes sa NCR

November 27, 2021 @ 4:35 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Pinaghahanda na ni Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng police commanders na maghanda sa isasagawang face-to-face classes sa Metro Manila.

Ito ay makaraang bigyan ng go-signal ng Department of Education ang ilang paaralan na magsagawa ng face-to-face classes.

“The PNP will secure a final list of the participating school so I can order the chiefs of police in those areas to plan for their deployment to ensure security in these school premises,” lahad ni Carlos.

Nilinaw naman nito na walang armas na masasangkot sa pagbabantay sa mga silid-aralan.

“Schools are zones of peace and we will acknowledge that. Much has been done to orient our personnel regarding this policy.” RNT/FGDC