PNP nagkasa ng imbestigasyon sa 4 bangkay na nadiskubre sa kotse sa Rizal

PNP nagkasa ng imbestigasyon sa 4 bangkay na nadiskubre sa kotse sa Rizal

August 24, 2022 @ 9:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng isang special task force upang magsagawa ng mas malalim na imbestigasyin sa oagkamatay ng apat na indibidwal na natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong kotse sa Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal nitong Lunes.

“A Special Investigation Task Group has been created to dig deeper into the case. We want to establish the motive and apprehend the culprit. Police authorities are on top of this and seek to uncover the truth and vow to serve justice,” pahayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Martes.

Nakatanggap ng tawag ang Rodriguez Municipal Police Station kung saan ipinagbigay-alam sa kanila ang natagpuang mga bangkay ng mga ‘di pa nakikilalang indibidwal sa loob ng isang Nissan car, na may plate number na NGU 1923.

Dalawa sa apat na biktima ang natukoy na ang pagkakakilanlan. Hindi pa nakikilala ang dalawang ababeng biktima.

Batay sa inisyal na ulat, may kinalaman ang pagkamatay ng mga biktima sa droga. RNT/SA