PNP naglabas na ng guidelines sa regulasyon, kontrol ng mga paputok

PNP naglabas na ng guidelines sa regulasyon, kontrol ng mga paputok

December 7, 2021 @ 7:16 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nag-isyu na ang Philippine National Police (PNP) ng  operational guidelines sa regulasyon at pagkontrol sa paggamit ng mga paputok at pyrotechnics sa Yuletide season.

 “The PNP will make sure that the provisions on regulating, manufacturing and distributing firecrackers will be strictly implemented based on Executive Order (EO) No. 28 that provides for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices,” lahad ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos.

Kasama na rito ang probisyon ng EO 28 sa paggamit ng firecrackers sa  community fireworks displays na dapat sasailalim sa taong pinayagan ng PNP.

Nagbibigay rin ang naturang EO sa PNP Chief na i-promulgate ang criteria sa prohibited firecrackers at pyrotechnics.

Dagdag pa ni Carlos, ang hakbangin ng PNP ay susuporta sa annual holiday campaign  ng DOH na may temang ‘Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas.’

Dagdag pa nito, nagpayo ang DOH sa publiko na gumamit ng ibang alternatibo sa paputok.

“The PNP is serving fair warning to manufacturers and retailers not to engage in the distribution of illegal firecrackers, at the risk of confiscation and arrest,” dagdag pa ni Carlos. RNT/FGDC