PNP naglabas ng listahan ng mga bawal bitbitin sa inagurasyon ni Marcos

PNP naglabas ng listahan ng mga bawal bitbitin sa inagurasyon ni Marcos

June 28, 2022 @ 5:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga dadala sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit.

Sinabi ni PNP public information office chief Police Brigadier General Augustus Alba nitong Martes na kukumpiskahin ang mga sumusunod sakaling mahuli sa inspeksyon sa mga gate ng venue:

  • backpacks at malalaking bags

  • matutulis na bagay (cutter, blade, kutsilyo, etc.)

  • alak at sigarilyo

  • kemikal

  • fireworks at pyrotechnics

  • lighter, posporo at iba pang combustible items

  • drones

“The ban on these items ensures that no contraband will be brought inside the venue of the inauguration to guarantee the safety of all attendees,” ani Alba.

Nag-abiso naman ang PNP advised ukol sa paggamit ng transparent bags o containers upang mas mapadali ang inspeksyon.

“We also advise them to come at least two hours ahead of the scheduled time of the inauguration ceremony, as the security check may take a few minutes,” dagdag niya.

Iinspeksyunin din umano ang mga sasakyan sa immediate vicinity ng National Museum, batay sa PNP. RNT/SA