PNP, nagpasalamat sa mga raliyista para sa mapayapang SONA 2018

PNP, nagpasalamat sa mga raliyista para sa mapayapang SONA 2018

July 24, 2018 @ 3:11 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pasasalamat sa publiko, lalong lalo na sa mga raliyista, pro at anti-Duterte man, sa isang statement ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa mapayapang pagsasagawa ng rally kahapon sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“(NCRPO) Police Chief Supt. Guillermo Eleazar is satisfied and very grateful on the outcome of the established security coverage on the opening of the 17th Congress and the State of Nation Address (Sona) 2018 that concluded generally peaceful with no untoward incident,” sabi ng NCRPO.

Ayon sa tala ng NCRPO, mayroong nasa 15,000 na anti-Duterteng raliyista at 10,000 namang pro-Duterteng raliyista ang dumalo para magsagawa ng protesta.

Sa kabilang dako, ayon naman sa tala ng  Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), nagkaroon ng 40,000 anti-Duterte ang nakiprotesta kahapon.

“More than 40,000 joined the unity march and program along Commonwealth Avenue to protest the Duterte regime. We thank all the organizations that contributed to this historic show of force and unity,” ayon kay Bayan Secretary-General Renato Reyes.

Samantala, sinabi rin ng NCRPO na ang regional director ay talagang nakiisa sa pagsasagawa ng security measure para sa SONA, pinakamaiksing ulat sa bayan ni Pangulong Duterte simula noong siya ay naupo sa pwesto noong 2016.

Siniguro rin ni Eleazar sa publiko na ang ginagawa ng NCRPO ay hindi matatapos sa pagbabantay ng seguridad sa Metro dahil inutusan din nito ang mga district directors, office chiefs, station at field commanders upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

“Let us be inspired with our gains as a result of our hard work and continue to work harder to further win the trust and confidence of the public whom we [had] sworn to serve,” sabi niya. (Remate News Team)