PNP nagsagawa ng walkthrough sa National Museum

PNP nagsagawa ng walkthrough sa National Museum

June 22, 2022 @ 4:10 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Nagsagawa ng walkthrough ang puwersa ng Manila Police District (MPD) kasama ang ibat-ibang unit ng Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng inter-agency meeting ang ilang ahensya ng gobyerno kabilang ang DPWH, MMDA, DILG at iba pa.

Ito ayon kay MPD spokesperson Major Phillip Ines ay bahagi ng paghahanda kaugnay parin ng nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Dagdag pa ni Ines, dapat nang asahan ng publiko ang mas madalas na pagsasara ng ilang kalsada malapit sa national museum gaya ng P.Burgos, Finance Road at Maria Orosa, dahil na rin sa mas magiging madalas ang mga isasagawang aktibidad na may kinalaman sa inagurasyon.

Giit pa ni Ines, na bagamat handang handa na ang pwersa ng MPD gayundin ang buong PNP ay patuloy nilang pinagbubuti at inaayos ang kanilang mga tungkulin sa darating na Hunyo 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden