PNP naka-alerto pa rin sa anibersaryo ng CPP

PNP naka-alerto pa rin sa anibersaryo ng CPP

December 24, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakahanda pa rin ang Philippine National Police (PNP) sa papalapit na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) sa Lunes, Disyembre 26.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP nitong Sabado, Disyembre 24, patuloy ang kanilang active defense posture hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.

Matatandaan na nauna nang inanunsyo ng
Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila magkakaroon ng ceasefire at ng CPP sa kabila ng holiday season.

“Ang PNP po sir ay mananatili sa kanyang active defense posture hanggang sa matapos itong Bagong Taon at hindi po natin ipu-pullout ang ating mga nakalatag na seguridad nationwide at kasama na rin diyan ang ating mga paghahanda ng nalalapit na anibersaryo ng CPP sa darating na December 26,” sinabi ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa panayam ng TeleRadyo.

Dagdag pa ni Fajardo, nagpakalat na rin ang PNP ng mas maraming tauhan sa liblib na lugar.

“Nagdagdag tayo ng pwersa doon sa mga areas na vulnerable to enemy attack, specially yung mga nasa malalayong lugar po na mga police station po at attachment po ay nagdagdag po tayo ng personnel coming from the mobile forces at special action forces,” aniya.

“We are not inclined to recommend the suspension of police operations, and we would rather maintain our active defense posture so that we can somehow be ready in case there are possible enemy atrocities,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong 2021 ay nanatili sa high alert ang PNP sa anibersaryo ng CPP. RNT/JGC