PNP nakaalerto na sa #OdettePH

PNP nakaalerto na sa #OdettePH

December 16, 2021 @ 10:00 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Nakaalerto na ang mga kapulisan sa mga lugar na posibleng salantahin ng bagyong Odette, batay sa ulat.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, ang lahat ng police commanders ay inatasan na na maipag-ugnayan sa kani-kanilang lokal na pamahalaan para planuhin ang ‘search and rescue’ maging ang preemptive evacuation lalo na sa flood-prone areas at coastal areas.

“We have our troops on standby as support force in case of emergencies. If there is a need for the PNP to assist in the safe evacuation of residents living in hazard-prone areas, then they count on us,” ani Carlos.

Dagdag pa nito, nakahanda ang PNP sa lahat ng hakbang.

“Challenging times like this need a unified effort to mitigate potentially damaging effects and possibly, to achieve zero casualty.” RNT/FGDC