PNP nakaalerto na sa Simbang Gabi

PNP nakaalerto na sa Simbang Gabi

December 15, 2021 @ 1:57 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nakahanda na ang Philippine National Police sa seguridad ng publiko para sa paparating na Pasko lalo pa sa pagsisimula ng Simbang Gabi.

Base sa tagapagsalita ng pamunuan na si PCol. Roderick Alba, magbabantay ang mga pulis sa simbahan simula bukas, Disyembre 15 sa unang araw ng Simbang Gabi.

“So meron na po tayong mga deployment ‘no sa lahat ng mga simbahan, particularly bukas is the Day One ng ating traditional Simbang Gabi, but you know, ito po ay may peculiarity dahil nasa pandemya po tayo, talagang kami naman sa PNP ay we will assist lalo na sa crowd control, lalo yung pagdagsa ng ating magsisimba,” dagdag ni Alba.

 “Some units ay merong mga initiative na ginawa po Sir, na ito po ay gagamit sila ng rattan sticks, gagamitin ito for physical distancing.”

Bukod pa rito, magdaragdag din ng mga pulis sa terminal ng transportasyon.

“We have to secure transport terminals. May latag na tayo sa mga lahat ng ports, mga plazas, yung sinabi po ninyo, yung markets, at even the tourist destinations.”

 “Continuous ‘yung ating coordination, including the local government units.” RNT/FGDC