PNP nakahanda sa warrantless arrests vs banta sa mga mamamahayag

PNP nakahanda sa warrantless arrests vs banta sa mga mamamahayag

January 29, 2022 @ 2:02 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa “warrantless arrests” laban sa mga magbibigay ng banta sa mga mamamahayag sa darating na eleksyon.

Sinabi ni Police Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, chief focal person sa buong bansa para sa media complaints, nadebelop ang naturang ideya nang magtalaga ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga media security focal persons o “media security vanguards.”

“At kung kailangan hulihin ’yung mga taong nirereklamo, we have enough evidence, we could do warrantless arrests or kung mayroon tayong nag-file ng kaso, may warrants of arrests, puwede nating hulihin,” ani Alba sa televised public briefing.

“Of course tinitingnan din natin dito ’yung pag-valdiate ng mga reklamo. Not all complaints . . . ’yung iba ay hindi valid complaints . . . related to their jobs, ’yung iba personal but still we are still willing to help.”

Sa ngayon, wala pang natatanggap na reklamo ang pamunuan. RNT/FGDC