PNP nanguna sa combat sports sa 2022 AFP-PNP-PCG games

PNP nanguna sa combat sports sa 2022 AFP-PNP-PCG games

October 28, 2022 @ 4:03 PM 4 weeks ago


MAYNILA – Pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Biyernes ang koponan ng kapulisan matapos humakot ng tagumpay sa dalawang combat sports event — karatedo at taekwondo — sa taunang kompetisyon kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Itinanghal na fourth runner-up ang PNP matapos humakot ng tatlong ginto, tatlong pilak, at tatlong tansong medalya sa mga palaro.

Nagmula ang tatlong gintong medalya ng pulisya
sa karatedo, taekwondo at tennis events.

Tinanghal na kampeon ang Philippine Army na may haul na siyam na ginto, limang pilak, at apat na tansong medalya.

“Maaaring hindi napanalunan ng PNP ang kabuuang kampeonato, gayunpaman, nakamit nito ang layunin ng kaganapan na pagyamanin ang pagkakaibigan at pagkakaisa sa mga alagad ng batas at mga sundalo at manatiling fit, maging ito sa sports o sa serbisyo. Mabuhay ang atletang pulis, sundalo at tanod baybayin!,” dagdag ni Azurin.

Ang PNP taekwondo team ay punung-puno ng karanasang roster ng mga beterano na nanalo rin sa 2022 World Police-Fire Games na ginanap sa Rotterdam, Netherlands noong Agosto.

Umani ang taekwondo team ng PNP headquarters sa Camp Crame ng 17 ginto, 10 pilak, at siyam na bronze medals, habang ang “Pilipinas Puso” volleyball players ng Police Regional Office 11 (Davao region) sa Davao City ay nagtapos sa ikatlong puwesto sa indoor competition .JC