PNP official sa mga pulis: Anti-illegal drug war ‘wag pahupain, lalo pang paigtingin

PNP official sa mga pulis: Anti-illegal drug war ‘wag pahupain, lalo pang paigtingin

May 27, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ni Philippine National Police director for operations Police Major General Valeriano de Leon nitong Biyernes ang commanders na panatilihing agresibo ang drug war sa kabila ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

“’Walang humpay at lalo pa natin paigtingin.’ We have just developed a new policy for this. Hindi natin hihintuan ang operations laban sa illegal na droga. Walang bitawan. It is our inherent function,” aniya.

Idinagdag pa ni De Leon na sasabayan din ang law enforcement operations ng agresio ring information drives at education campaigns sa mga estudyante.

Ayon sa kanya, ang mga estudyante umano ang karaniwang target customers ng illegal drug syndicates.

Iginiit din ni De Leon na ipatutupad ng kapulisan ang bagong polisiya sa kanilang anti-drug efforts, na nakatuon sa rehabilitation at reintegration para sa drug dependents. RNT/SA