PNP officials, binalasa
March 18, 2023 @ 10:38 AM
1 week ago
Views: 128
Shyr Abarentos2023-03-18T10:39:31+08:00
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes ang reorganization, kung saan 10 senior police officials ang itinalaga sa bagong pwesto.
Inaprubahan ito noong Huwebes ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. base sa rekomendasyon ng Senior Officers Placement and Promotion Board dahil sa pagreretiro ng ilang opisyal.
Kabilang sa mga itinalaga sa bagong pwesto sina:
-
Police Major General Oliver Alilis Enmodias: Director for Research and Development, PNP;
-
Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia: Director, PNP Anti-Cybercrime Group;
-
Police Brigadier General Mafelino Aspero Bazar: Acting Deputy Commander, Area Police Command, Northern Luzon;
-
Police Brigadier General Alden Bacarra Delvo: Regional Director, Police Regional Office 11;
-
Police Brigadier General David Kang-Owan Peredo Jr.: Regional Director, Police Regional Office Cordillera;
-
Police Brigadier General Jerry Fornaleza Bearis: Director, Aviation Security Group;
-
Police Brigadier General Anthony Abellada Aberin: Regional Director, Police Regional Office 7;
-
Police Brigadier General Joel Bargamento Doria: Regional Director, Police Regional Office MIMAROPA; at
-
Police Colonel Romeo Juan Macapaz: Acting Director, Intelligence Group.
“This latest reorganization in the PNP is prompted by the recent retirement of some senior officials. I am confident that these senior officials will do their best to accomplish the mandated task in their respective AOR,” pahayag ni Azurin.
Epektibo ito noong Huwebes, Marso 16. RNT/SA
March 26, 2023 @7:30 AM
Views: 4
MANILA, Philippines – Makakaapekto sa bansa ang easterlies at localized thunderstorm, ayon sa ulat ng PAGASA.
Sa 24-hour weather bulletin ng ahensya, makararanas ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa nabanggit na weather system.
Nagbabala naman ang PAGASA ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng malalakas na thunderstorm. RNT/JGC
March 25, 2023 @4:48 PM
Views: 77
Manila, Philippines – Sa kanyang vlog, ipinakita ni Miguel Tanfelix ang kanyang concern sa kanyang mga fans.
Maaga pa lang ay naghanda na ang Kapuso actor sa treat niya sa kanyang kafaneyan.
Pumunta siya sa Tagaytay Public Market para personal na mamili ng kanyang mga kakailanganin sa papiging niya sa kanyang mga masusugid na tagahanga.
Nakipagtawaran siya sa pagbili ng karneng baboy, manok, isda, gulay at mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto.
Habang namimili, nakipag-bonding din siya sa mga fan na naki-selfie sa kanya.
Maging sa paghahanda tulad ng pagtitimpla ng kanyang mga napamiling pagkain ay siya rin ang personal na nag-asikaso.
Matiyaga rin siyang nag-ihaw ng liempo at manok at nagprito ng isda at karneng baboy para sa kanyang pa-boodle fight sa kanyang fans.
Maging sa pagdedekorasyon ng pagkain sa hapag ay siya rin ang naging punong abala.
Tuwang-tuwa naman ang kanyang kafaneyan dahil sila ang piniling pagsilbihan o i-date ni Miguel at hindi ang sinumang leading lady na nali-link dito.
Ang nakaka-touch, binigyan pa ng Kapuso actor ng tig-isang pulang rosas ang kanyang loyal fans na ikinakilig ng mga ito.
Si Miguel ay mapanood sa Voltes V: The Legacy sa GMA-7 kung saan ginagampanan niya ang papel ni Steve Armstrong. Archie Liao
March 25, 2023 @4:37 PM
Views: 83
Manila, Philippines – Mula nang maging available ang mga tickets nitong March 17, wala pang isang linggo’y sold out na ang 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo.
Magaganap ito sa May 12 sa Smart Araneta Coliseum.
Nitong March 1 ay ipinagdiwang ng Popstar Royalty ang kanyang ika-20 taon sa showbiz bilang singer at aktres.
Matatandaang 2003 nang manalo si Sarah sa singing search na Star For A Night at mula noon ay bumulusok na ang kanyang singing career.
Kasabay ng kanyang 20th year in showbiz ay ang pag-release niya ng awiting Habang Buhay.
Sila ni Paolo Valenciano ang magkatuwang sa pagdidirek ng kanyang anniversary concert.
This year ay inaasahang maipo-promote niya ang kanyang album.
Samantala, inaasahang babaha ng emosyon sa mismong gabi ng pagtatanghal ni Sarah.
Mas masarap daw kasing namnamin ang kanyang tagumpay kung magkasundo na sila ng kanyang Mommy Divine.
Inaasahang present sa audience ang kanyang mga magulang para suportahan ang kanilang anak.
Sa side naman ng asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli, too bad namang sa April 29 ay last episode na ng kinabibilangan niyang programang Tropang LOL sa TV5.
Looking forward naman ang mga tagahanga ni Matteo na mapapanood ang aktor sa mga programa ng GMA dahil balitang nakipagnegosasyon na ito for a possible transfer.
Ang Viva Entertainment ang namamahala sa carer ng mag-asawang Sarah at Matteo.
Almost finished na rin ang all-in-one studio nilang G na ipinatayo ni Matteo para sa kanyang misis. Ronnie Carrasco III
March 25, 2023 @4:25 PM
Views: 76
Manila, Philippines – Buhat nang naging busy si Ashley Ortega sa training ng figure skating at sa taping ng Hearts On Ice with leading man Xian Lim ay tuluyan na niyang kinalimutan ang ex-boyfriend na nagpaluha sa dalaga.
Inamin ni Ashley sa isang interview na fully recovered na siya sa split-up nila kahit ilang buwan pa lang ang nakararaan.
Ani Ashley: “Tuluy-tuloy lang ang buhay natin. Malaking tulong sa akin sa madaling paglimot sa ex-bf ko ang work ko bilang actress, pamilya ko at mga friends ko na nakakaunawa sa akin.”
Sa panayam kay Ashley, nasabi niya na ang una niyang showbiz na boyfriend ay ang may asawa na ngayong si Juancho Triviño, na naging leading man niya sa isang Sunday afternoon soap ng GMA noong teenager pa siya. Short-lived relationship lang ‘yun na iniyakan din ni Ashley dahil minahal niya si Juancho.
Sumunod na bf ni Ashley ay ang ang non-showbiz na si Prince Singson, na isa sa mga apo ni dating Gov. Chavit Singson ng Ilocos Sur. Si Prince ang last dance ni Ashley nang nag-18th birthday (debut) ang Kapuso actress.
Short-lived din ang relationship nina Ashley at Prince!
Sa California, USA nag-aaral ng college ang binata. Si Ashley nama’y busy sa showbiz career niya bilang contract star ng Sparkle Artist Center. As usual, iniyakan din ito ni Ashley. Totoo kasi siya kung magmahal.
After four years ay muling nagkarelasyon si Ashley sa binatang taga-Lucena City, si Mayor Mark Alcala. Tumagal din ng more than a year ang relasyon ng dalawa.
Bale siya ang huling karelasyon ni Ashley bago naging busy sa training at taping.
Ani Ashley: “Mutual decision naming dalawa na mag-split. Busy ako bilang actress, siya nama’y public servant. Malayo ang Manila at Lucena City. Di rin ako pwede sa mga out of town trip o kaya’y trip sa abroad na pwede sanang kasama ko siya. Tutok ako sa career ko.
“Mahalaga sa akin ang career. Tulad ngayon, first solo lead ko ang Hearts On Ice,” sabi pa ni Ashley. Norl Asinas
March 25, 2023 @4:13 PM
Views: 92
ISINUSULONG ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na nagpapatupad ng direktang marketing platform na idinisenyo ng Department of Agriculture (DA) na nagbibigay sa mga mamimili ng access sa de-kalidad at ligtas na mga pagkain, habang tinitiyak na ang mga producer ng sakahan ay may handa na merkado.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) ay spill-over ng marketing strategy ng DA na tinawag na Kadiwa ng Pasko, na tumugon sa mataas na halaga ng mga agricultural commodities sa panahon ng kapaskuhan.
Ang KNP ay isa lamang sa mga programa ng administrasyong Marcos na tumutugon sa pagtaas ng presyo ng pagkain dahil sa global inflation. Binibigyan din nito ang mga magsasaka, mangingisda at pati na rin ang mga micro-, small-, and medium enterprises (MSMEs) na walang-upahang mga lugar upang ibenta ang kanilang ani at dagdagan ang kanilang kita.
Ang Kadiwa ng DA ay isang market linkage facilitation program na nag-alis ng mga hindi kinakailangang layer sa trading cycle. Ang mas kaunting middlemen ay nagdaragdag sa halaga ng pagbebenta ng mga produkto sa mga mamimili na nakikinabang mula sa mga bagong ani na pananim at iba pang mga pagkain sa patas na halaga. Pinapalakas din nito ang mga nagtatanim ng pagkain na maging agri-preneur.
Mula Pebrero hanggang Marso, limang KNP outlet ang na-install sa Cebu City, Rizal Park sa Manila, Sto. Tomas sa Batangas, Pili sa Camarines Sur at ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) compound sa Quezon City.
Ang limang KNP outlet ay may kabuuang benta na umabot sa P3.66 milyon sa dalawang buwan ng kanilang operasyon. Mas maraming lugar ang mabubuksan sa lalong madaling panahon kasunod ng direktiba ng Pangulo na mag-install ng mga katulad na trading hub sa ibang mga site sa buong bansa.
Ang KNP ay isang inter-agency collaboration, na ipinatupad sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Work and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS) ang nangunguna sa pagsasagawa ng Kadiwa ng Pangulo at nakikipag-ugnayan sa Farmers’ Cooperatives and Associations para sa kanilang posibleng paglahok. Kasama sa mga interbensyon ng DA ang suporta sa logistik tulad ng pagdadala ng mga produkto mula sa mga sakahan patungo sa mga pamilihan. Santi Celario