PNP-OIC BINALEWALA SA ILIGAL NA DROGA

PNP-OIC BINALEWALA SA ILIGAL NA DROGA

July 19, 2022 @ 6:26 PM 4 weeks ago


BAGAMAN officer-In-charge ng Philippine National Police ang posis­yon ni Lt.Gen. Vicente Danao Jr., seryoso naman nitong ipinagpapatuloy ang sini­mulan subalit ‘di naka­yanang tapusin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kampanya laban sa droga.

Kaya naman mga pare-koy, tungkulin ng lahat ng field commanders ni Danao na makipagtulu­ngan para maipasok sa sa mga kulungan, na di kai­langang lipulin, ang mga personalidad na sinasa­bing sangkot sa pagpapa­laganap ng  bawal na gamot.

Ngayon pa lang ay dapat na kumilos si OIC, PNP sapagkat kapag na­ging makupad siya at hindi nagpa-impress sa bagong upong Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay  napakadali na lang na tanggalin siya sa puwesto na matagal-tagal din naman niyang pinangarap na masungkit.

Pero in fairness sa heneral, nabatid sa mga usap-usapan ng mga pulis na nagpalabas na ito ng direktiba na mas lalong pagbutihin ng mga tauhan niya ang ‘police operation’ laban sa iligal na droga upang malipol na ang mga salot sa lipunan.

Sa madaling salita, ‘all out war against drugs’ ang ipinatutupad ni Da­nao ngunit may mga hepe ng pulisya na nagtetengang-kawali o nagbibingi-bingihan sa ‘tall order’ ng sa ngayon ay pinakamataas na opisyal ng PNP.

Nabatid pa na hanggang ngayon ay patuloy ang lantarang bentahan ng droga partikular ang shabu sa mga lugar sa Metro Manila at mga karatig na lugar at maging sa ilang lalawigang ma­lapit dito.

Matindi ang operas­yon ngayon ng bentahan at pagpapakalat ng droga dahil mismong sa mga kanto-kanto lang ay ma­kikita ang lantarang operas­yon na tila ordinaryo lang sa ilang operatiba at pulis na nakatalaga sa mga istasyon at presinto.

Tila hinahamon ang pagiging madisiplina ni Danao. Aba’y kailangang kumilos na ng OIC, PNP upang hindi madismaya si Presidente Bongbong sakaling maisipan nitong italaga siya na bilang Ac­ting chief o kaya naman ay PNP chief na mismo.