PNP: Pagpapatupad ng Alert Level 1 premature pa

 PNP: Pagpapatupad ng Alert Level 1 premature pa

December 8, 2021 @ 6:05 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa handa ang Pilipinas na magbaba ng quarantine status, base sa Philippine National Police.

Ito ay sa gitna pa rin ng banta ng Omicron COVID variant.

Kinontra ni PNP chief Police General Dionardo Carlos ang pagbababa ng quarantine status dahil sa mas marami pa ang napapanatag ngayong holiday season.

“The time isn’t ripe yet since it’s the holiday season and we have observed more people becoming complacent [while] outdoors, disregarding health protocol,  and unmindful of the risks,” punto ni Carlos.

Sa kabila nito, tutugon naman aniya ang PNP sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pagbababa ng alert level status.

“The local government units are vested the authority to issue executive orders that police personnel are duty bound to enforce.” RNT/FGDC