PNP: Parusa sa quarantine violators batay sa batas, ordinansa

PNP: Parusa sa quarantine violators batay sa batas, ordinansa

April 8, 2021 @ 7:01 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ang parusa sa quarantine violations ay babase lamang sa Republic Act 11332 at kanya-kanyang ordinansa ng local government units.

 “Penalties in relation to enhanced community quarantine, curfew hours, and pandemic in general are anchored on RA 11332 and the corresponding ordinances imposed by all cities/municipalities throughout the country,” saad ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana sa GMA News.

Maaalalang sinibak sa pwesto sina General Trias City Police chief Police Lieutenant Colonel Marlo Solero at dalawa pang pulis na sina Police Corporal Jerome Vibar at Police Corporal Kenneth Mercene dahil sa pagkamatay ng curfew violator na si Darren Peñaredondo.

Sinabi na pinagawa umano ang lumaba ng 300 round ng pumping exercise bilang parusa. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •