PNP, PDEA magiging maingat sa paglabas ng impormasyon sa Commonwealth shootout

PNP, PDEA magiging maingat sa paglabas ng impormasyon sa Commonwealth shootout

February 25, 2021 @ 7:10 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magiging maingat ang Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglalabas ng impormasyon ukol sa naganap na barilan sa pagitan ng pulis at anti-drug agents nitong Miyerkoles.

Umapela si PDEA chief Wilkins Villanueva sa publiko na hintaying matapos ang imbestigasyon bago isapubliko ang impormasyon ukol sa insidente.

“[R]ight now hindi puwedeng mag-away ang pulis at PDEA dahil sa sitwasyon ngayon,” ani Villanueva.

“Right now, because of sa mga namatay, ngayon dapat mas lalong humigpit ang relasyon ng pulis at ng PDEA dahil hindi natin alam baka yung sindikato ay pinanood lang tayo at pinag-aaway lang tayo pareho. At hindi namin ‘yan puwede payagan,” dagdag nito.

Tumanggi sina Villanueva at PNP chief Police General Debold Sinas na magbigay pa ng iba pang detalye ukol dito.

“‘Yun nga, what we are trying to find out. Sino dito ang buy-bust. But right not we cannot tell whether both of us or one of us are doing the buy-bust and one of us are not doing the same buy-bust,” saad ni Villanueva.

“But we cannot tell that. Because we do not have the evidence that will prove that right now,” aniya pa.

Una nang sinabi ng PNP at PDEA na lehitimo ang nasabing operasyon.

“Right now we are mourning, so we cannot speculate on what really happened because really, eh, talagang barilan ito. And both parties are thinking that they are doing the same thing. So ito yun. Hintayin lang natin,” lahad ng PDEA chief.

nagparating naman ng suporta si Sinas.

“[I]f we will side with our people baka mamaya ‘yung mga tao namin sa baba, mag-initan, magkabarilan. So that’s why we are here to present ng solid relationship namin,” ani Sinas.

giit pa ng PNP chief na hindi maaapektuhan ang relasyon ng kaniyang hanay at PDEA sa naganap na insidente.

“Very unfortunate incident na talagang it happened. That’s why we have to investigate properly,” ayon kay Sinas.

“Ayaw namin magbigay kaagad ng report only to find out mali pala and masaktan na yung sa kabila… without first going with the available facts and available evidence na nakikita,” dagdag nito. RNT/ELM


  •  
  •  
  •