PNP personnel binalasa sa paghahanda sa Halalan 2022

PNP personnel binalasa sa paghahanda sa Halalan 2022

January 31, 2022 @ 4:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sumailalim sa balasahan ang 38 pulis sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa bilang hakbang sa nalalapit na halalan, base sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, kasama rito ang Provincial Directors, City Directors at hepe ng kapulisan.

“That’s what we did even before the start of the election period to make our organization apolitical, to do away with perception of bias or familiarity,” ani Carlos.

Karamihan aniya sa na-reassign ay overstaying na sa posisyon habang ang iba naman ay nasa panig na ng incumbent mayors o governors na muling tatakbo sa eleksyon.

“Our police personnel should be apolitical. They will be there to level the playing field and make sure they are not bias to one candidate or another.” RNT/FGDC