PNP personnel na nasapul ng COVID 45,542 na

PNP personnel na nasapul ng COVID 45,542 na

January 16, 2022 @ 3:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Naitala ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo ang 295 bagong coronavirus disease (COVID-19) cases sa mga tauhan nito, na sa kabuuan ay umabot na sa 45,542.

Umakyat naman sa 3,982 ang aktibong kaso ng virus, batay sa datos mula sa PNP Health Service.

Pumalo naman sa 341 ang gumaling na, kung saan sa kabuuan ay 41,435 ang bilang ng mga naka-rekober sa virus.

Nananatili naman sa 125 ang bilang ng mga nasawi.

Nitong Sabado, nakapagtala sa bansa ng 39,004 bagong COVID-19 cases, pinakamataas simula nang magkaroon ng pandemya. RNT/SA