PNP-PSPG, aalamin ang dahilan ng pagtanggal ng security details ni Senator Trillanes

PNP-PSPG, aalamin ang dahilan ng pagtanggal ng security details ni Senator Trillanes

July 14, 2018 @ 10:25 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Pag-aaralan na ng Philippine National Police – Police Security and Protection Group (PSPG) ang naging desisyon ng pagtatanggal ng security detail ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay PSPG Director Sr. Supt. Filmore Escobal, makikipag-coordinate muna sila sa AFP para tukuyin ang desisyon na ito.

Nauna rito, kinumpirma ni Senator Trillanes na inalisan siya ng AFP at PNP ng security detail nang walang dahilan noong katapusan ng Hunyo.

READ: Trillanes, tinanggalan ng police escort

Ipinaliwanag naman ni Escobal na hindi na nito ni-renew ang police escorts ng senador dahil meron na itong dalawa mula sa AFP, dalawa sa Philippine Navy at dalawa pa mula sa Senado.

“The non-renewal of the letter orders of the excess security of Senator Trillianes from the PNP is in compliance with the implementation of ‘Alunan Doctrine’ which provides that government officials can only have two security personnel protecting them as provided under NHQ PNP Memo dated December 15, 2016,” paliwanag ni Escobal.

Pero ayon kay Trillanes, pati ang mga sundalong in-assign sa kanya ay tinanggal din. (Remate News Team)